nasan ba ako?para akong director ng isang pelikula. nakita ko na lahat ng frames, lahat ng negative.. lahat ng artista .. un lang, hindi pwedeng magsabi ng cut! o mag ulit ng take. lahat ng genre..comedy, drama, etc. nakita ko na.
ano ba ang gusto ko? ang dami dami kong naiisip. ang dami kong gustong gawin pero syempre limited lang ang pwede kong gawin at present.lahat ng tao may kanya kanyang gusto..pagkain, damit, kulay, pangarap, at direksyon na gustong tahakin. ang daming problema.. iisipin mo kasalanan ko pa ba ito? o masmahal lang ni lord ung iba kesa saken? lalo na pag nakakaramdam ako ng lungkot. ang daming detour..pero buti na lang may mga stop over..may nakikilala along the way.. kahit yung iba hindi ko na nakikita or nakakausap masaya na din ako at nakasama ko sila sa kabaliwan ko.
nakausap ko kanina ang dati kong officemate 6-7 yrs back.. may dalawa na shang baby, may asawa na(yung ojt namen dati..uy chismis! haha) at kasalukuyang batong bato sa opisina.kumustahan kami.. isa na shang head ng sales sa kumpanya nila. nagbabalak umalis dahil sa %^$#@!boss nya! lolz Pagkatapos namin magusap napaisip ako.. bakit nga ba wala pa akong anak? o bakit wala pa akong asawa? ..mga tanong na akala ng iba nakakaoffend. well, im not! it’s for me to decide when d ba?! kasalanan ko bang mambabae ung gagung ex ko?! haha sounds bitter ba? endi naman..not meant to be lang kami. kasi after kong umiyak ng 1 week at muramurahin sha sa isip ko, madami naman magandang nangyari.. madaming nakilala. tuloy ang buhay.
ang drama ko.nakadami yata ako dito. napakyaw ko na lahat ng eksena.isa lang masasabi ko.. may araw din sila! bukas, luluhod ang mga tala!! hahaha
*nung bday ko..mahirap palang umiyak habang kumakain ng icecream na masarap! LoL
tama na ang emo..bukas naman!
ayus lang yon kwisi mwah i miss u bruks!
Posted by kayroch at June 25, 2009, 2:06 pm
Sorry sa mga times na ala ako nung mga moment na windang ka. Sorry pati bday mo nakalimutan ko na. Soring malupet. mis na kita brux. coffee tayo minsn. i wish. /hugs.
Posted by ms tsinelas at June 25, 2009, 10:07 am